
Maski expire na ang dating kong lisensya at kinailangan ako kumuha uli ng pagsusulit sa pagmamaneho, nakapasa uli ako at nagkaroon ng katuparan, nakuha ko ito s loob ng isang araw, malaking pagbabago kumpara nung huling kumuha ako ng mga taong 2000.
Subalit sa isng opisinang ito ng gobyerno, may napansin din akong kakaibang development, dumami ang negosyante sa tabi tabi at madali na ang kumuha lalo na sa baguhan basta lamang may puhunan ka.
Dumating ako ng bago mag alas 8 ayon na rin sa kanilang payo para daw makakuha ako ng numero, nakakuha nga ako at pang 51 na ako. Nang aakyat na ako para hintayin tawagin ang aking numero sa itaas ay pinigil ako ng gwardiya dahil Offline daw at walang processing, maghintay daw, ngunit magdadalawang oras na ako e wala pa rin. Pero ung iba sa 50 nauna sa akin at ung mga bagong dating ay nakaka akyat matapos n may lumapit sa kanila at may kumausap. Ako ay nilapitan din at sinabi na online sa ibang lugar at pede maproseso, hindi ako kumagat dahil sa tingin ko e negosyante rin siya.

Hindi ako pede magbigay kanino man kung hindi sa cashier lamang, ayokong patulan ang mga ganitong tao dahil sa bukod na lalaki ang babayaran ay mananatili at mananatili ang mga ito Sa wakas ng s tinign nila e wala ng lumalapit sa kanila ay naging online na, pinaakyat din ako pasadong 10 am na, sayang na 2 oras. At ng nasa taas na ako tama ang hinala ko marami ng inaayos na papel sa itaas, ito na ung mga nagsipagbayad ng mahigip sa 50% sa karaniwang binabayaran. Karamihan sa kanila ay mga bagong kuha ng lisensya at mga bata pa.

Ang tinutumbok ko lang sa pagsulat kong itong ng aking karanasan ay ang mga sayang n sandali s aking paghihintay ng isang araw sa opisinang ito na sa halip n makadagdag ng oras pa sa aking pamilya ay ninikaw pa nito, ilang araw lang bakasyon kong ito sa pinas. Sa aking estimate ay kaya ang proseso ng aking lisensya sa loob lang ng 3 oras na ang pinakamatagal ngunit dahil sa mga negosyante ay tumagal.
Kayo na lang mg nakakabasa nito ang humusga kung ano na ang mangyayri kung ito ay nangyayari din sa ibang ahensya ng gobyerno ng pinas. Pinupuri ko yung mga taong nagtiis na maghintay at sa mga nakakabasa sana ay hindi nya matyempohan ang opisinang ito sa MM. Pero balita ko ok naman ung mga nasa Mall.
No comments:
Post a Comment