Karama Kid: Mam, malapit na akong magtampo sa inyo.
Labor Attache: Bakit naman?
Karama Kid: Itong pagkuha kasi ng OEC, bakit kailangang maghintay kami ng 3 o 4 na oras?
Labor Attache: Ganun talaga. Tinatapos naman naming lahat. Konting tiyaga. Iisa lang kasi ang naka-assign dyan.
Karama Kid: Yan nga ho ang nakapagtataka. Bakit iisa lang ang naka-assign e 90% ng taong narito ngayon ay OEC ang sadya?
Labor Attache: Yung mga staff natin dito ay may kani-kaniyang assignment. At wala namang natutulog dito.
Karama Kid: No, mam. It's not the people. It's the system. Parang hindi nasasagutan ang pangangailangan namin dito ... This is Dubai. Every minute counts ... Can we have a Plan B? Kung mga 50 na ang applicants, dapat 2 na ang nag-iintindi ng OEC.
Labor Attache: Alam mo, kulang talaga kami ng tao rito.
Karama Kid: Dapat na ho yatang kalampagin ang dapat kalampagin.
Labor Attache: We have requested Manila for additional staff ... more than a dozen times. Wala pa ring nangyayari.
Karama Kid: Isa pa, mam, isa pang kalampag ...
Labor Attache: Sige.
Karama Kid: Kung hindi umubra, kami naman ang kakalampag.
Labor Attache: Ano?
Karama Kid: Thank you, mam.
Wednesday, May 28, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Makakarating sa kinauukulan...
Matagal na ang ganyang sistema at maraming ng sinayang na oras ng ibang tao ang ganyang sistema...ilang libo ba ang mga mangagawa dito sa Dubai na ang iba e 2 beses pa sa isang taon umuwi...magkano ang ang nalilikom nilang pera at dagdag lang ng staff e di p nila kaya...
More notes ...
Yung labor attache natin mabait at palangiti. Ok siya kahit kinukulit.
I waited 3 hours and was asked to pay 15 dirhams. Sabi ko, hindi proportional ang paghihintay ko sa babayaran ko. Pwede ba singilin mo ako ng mas malaki?
Natalie, good luck sa operation mo.
Post a Comment