Karama Kid: Mam, malapit na akong magtampo sa inyo.
Labor Attache: Bakit naman?
Karama Kid: Itong pagkuha kasi ng OEC, bakit kailangang maghintay kami ng 3 o 4 na oras?
Labor Attache: Ganun talaga. Tinatapos naman naming lahat. Konting tiyaga. Iisa lang kasi ang naka-assign dyan.
Karama Kid: Yan nga ho ang nakapagtataka. Bakit iisa lang ang naka-assign e 90% ng taong narito ngayon ay OEC ang sadya?
Labor Attache: Yung mga staff natin dito ay may kani-kaniyang assignment. At wala namang natutulog dito.
Karama Kid: No, mam. It's not the people. It's the system. Parang hindi nasasagutan ang pangangailangan namin dito ... This is Dubai. Every minute counts ... Can we have a Plan B? Kung mga 50 na ang applicants, dapat 2 na ang nag-iintindi ng OEC.
Labor Attache: Alam mo, kulang talaga kami ng tao rito.
Karama Kid: Dapat na ho yatang kalampagin ang dapat kalampagin.
Labor Attache: We have requested Manila for additional staff ... more than a dozen times. Wala pa ring nangyayari.
Karama Kid: Isa pa, mam, isa pang kalampag ...
Labor Attache: Sige.
Karama Kid: Kung hindi umubra, kami naman ang kakalampag.
Labor Attache: Ano?
Karama Kid: Thank you, mam.
Showing posts with label OFW. Show all posts
Showing posts with label OFW. Show all posts
Wednesday, May 28, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)