Ang Kumusta Na (Makulit Ba?) ay isang kanta ng pag-ibig na sinulat ko. Medyo nag-eksperimento ako rito. Kanta ng pag-ibig pero walang salitang "iniibig" o "minamamahal". Walang "sinta" o "hirang" o "habibti".
Pagbibiro at pangungulit - ganon yung kanta.
Kumusta na? Wala pa ba?
Ako naman ay pwedeng maghintay pa.
Kaya nga lang, eh bakit pa
kung ngayon ikaw ay sigurado na?
Kung ‘di naman, saka na lang.
Ayaw ko ring ika’y minamadali.
Pero, teka, ngayon na lang
kung tayo’y doon din mauuwi.
Pwera na lang sa bandang gitna na medyo seryoso. Merong parang saglit ng zen (zen moment) . . .
Sandali'y hayaang maging sa ating dalawa.
Sa katahimikan ay may himlayang kay ganda.
Pakinggan mo ang puso ko.
Pakinggan mo ang sa 'yo.
Nangyayari iyan, di ba? Kasama mo yung chick. Biruan kayo nang biruan. Lokohan nang lokohan. Tapos biglang magiging seryoso. Tatahimik. Kasi, parang hindi na dapat magsalita. Siya rin, parang hindi na kailangang sumagot. Pakiramdaman na lang. Paparoon na, bok . . . Pero, dito sa kanta, balik na naman sa pangungulit.
Kumusta na? Wala pa ba?
Ako naman ay pwedeng maghintay pa . . .
Sunday, July 5, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment