Nai-release kamakailan ang unang album ng bandang Equilibrio na may pamagat na Sige Lang. Ito ay binubuo ng mga kanta ng pag-ibig at pag-asa, sa genre na pop rock.
Ang Sige Lang ay masasabing isang OFW album. Ang unang kanta, na may pamagat na Sige lang ako, ay tungkol sa pagtatrabaho at pamumuhay nang malayo sa pamilya. Ang mga sumunod na kanta ay hindi naman tuwirang tumatalakay sa buhay OFW ngunit maraming linya na kapuna-puna ang pangingibabaw ng damdaming OFW. Hindi ito dapat pagtakhan. 9 sa mga kanta ay sinulat sa Dubai at ang 1 ay sa Singapore. Ang huling kanta ay Harinawa. Dahil sa mga blessings at isang dasal na nakapaloob dito, pwede itong kantahin sa birthday, pasko o sa bagong taon. Pero higit sa lahat, bilang OFW, ito siguro ang gugustuhin mong kantahin sa pamilya mo o vice versa, kung tapos na ang bakasyon mo sa Pilipinas at pupunta ka na naman sa bansang pinagtatrabahuhan mo. Kung may genre na "OFW rock", ito na siguro iyon.
Narito ang video na naglalaman ng excerpts ng mga kanta sa album.
Ang iba pang impormasyon tungkol sa album ay makikita sa Facebook album page. Ang CD album ay available sa Amazon at CreateSpace at ang digital album ay sa Nimbitmusic.
Wednesday, December 7, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment