Thursday, December 18, 2008

Halaga ng bandila sa kotse

Ang komentaryong ito ay pag-sagot sa sulat sa pinaka-ibaba:

Para sa kung sino man iyun na “mas higit na nakaka-alam”,

Una, hindi ako nagsasabi na burahin ang Plate Number ko sa computer ng mga pobre nating kababayan na nagtatrabaho sa tanggapan na nagbabantay ng lansangan. Bakit nga ba nila binubura? Pinagtatakpan ba nila ang mga pagkakamali ng iba nating mga kababayan na hindi sumusunod sa batas? Mali naman iyun. Mali sila dun. Kung sino ang nagkamali, siya ang managot.

Pangalawa, hindi kasalanan ng bandila ng ating bansa ang pagkakamaling ito. Walang kinalaman ito sa pagkakamali ng ilan nating mga kababayan. Inilagay ko ang bandila sa likod ng aking sasakyan upang ipakita sa buong mundo na ako ay galing sa “Lupang Hinirang”. Hindi ko ninais at ayaw kong maghari-harian sa mga kalye dito. Gusto ko lamang makarating ng payapa at matiwasay sa aking pupuntahan. Magkarerahan sa Sheikh Zayed? Ipaubaya mo na lang iyun sa mga taga-rito kung gusto nila.

Hindi nyo ba alam kung ano ang ibinuwis ng ating mga ninuno noong panahon nang Himagsikan? Binili ang ating kalayaan nang Dugo! Ang bandilang ito ang sagisag nang kabayanihan ng mga nagmahal sa ating bansa. Tapos sino ka na magsasabi na tanggalin ko ang bandilang ito sa kadahilanang may mga tukmol na tao na gumagawa ng mga kalokohan para ikahiya ko ang sagisag ng aking bayan?

Tama ang pamahalaang ito na palayasin ang mga napatunayang gumawa nang kasalanan. Khallas!!!

At kung nasa aking kamay ang kanilang buhay, baka bitay pa ang hatol ko sa kanila. Ano pa ba ang hatol sa nakakahiyan na ginawa nila? Hara-kiri? Sayang lang, hindi tayo Hapon.

Kayong mga kababayan ko, hindi kayo naparito sa gitnang silangan upang magtarantado at maghari-harian. Lumugar naman kayo. Mga panauhin lamang tayo rito. Kumilos kayo nang nararapat.

Magising sana kayo sa katotohanan.

Mabuhay tayong lahat! Mabuhay ang Pilipinas!

-0-

Ang sulat na pinagmulan ng isyu na ito.
Paki inform mga kabayan natin,
> > Kelan lang ay may naglabasang balita na pag may FLAG sticker ng > Pilipinas ang kotse mo ay ligtas kana sa mga violation sa kalsada > katulad ng overspeeding at beating the red light, dahil diumano'y ang > mga kababayan nating Pilipino ang kumukuha or nagda-download nito sa > mga nagkalat na camera sa kalsada at intersection. > >
Ang mga bali-balitang ito po ay nakarating nasa kinauukulan ng > Ministry of Interior at pilit na pinagpapaliwanag ang mga pobre nating > kababayan na nagtata-trabaho doon, ang ilan sa kanila ngyo'y under > surveillance at ang iba naman ay napauwi na. Marami sa mga kababayan > natin ang galit dahil ang iba sa knila'y nawalan ng trabaho at ito'y > ipinararating nila sa karamihan na kung pwede sana paki-tanggal na ang > mga sticker ng Philippine flag sa inyong mga sasakyan at kung gusto > nyo naman eh pwede nyong ilipat ng location ang sticker wag lang po sa > likod or wag malapit sa Registration Number. > >
Para maiwasan po ang kahit na anong problema na ating kakaharapin sa > kalsada ay sumunod na lamang po raw tyo. Ang sabi nila'y nasa watch > list ng MOI ang mga sasakyan na may flag ng bansa natin. Eto po ay > pawing transmitted message lamang ng mga taong mas may higit na > kaalaman.
> > Maraming salamat poh!

2 comments:

Anonymous said...

Bottomline...nakaka insecure kasi pag may bandila ng Pinas...pero sana naman pag mga tipong Dodge ang sasakyang dinidikitan...para may dating naman ang bansang ating dinadala...

Anonymous said...

Ito ay isa na namang halimbawa ng dispalinghadong sentido ng tama at mali ng hindi kakaunting Pinoy o ng kapos na pagsusuri upang malaman kung ano ang dapat pahalagahan. Sana ay namulat sila sa sanaysay na ito. Salamat po.