Matapos ng pagkagulo gulo sa ulam ay ito na ang kintutuwaan ng lahat, ang panghimagas. Dahil ewan ko pa kung bakit tuwang tuwa ang mga Asian, hindi lang Pinoy sa Durian. Gusto ng mga taga Hongkong at Singapore n matikman itong durian at para sa kanila ay ito ang challenging na kainin kaya isa iyon sa mga kinuha nila. Pinagmalaki pa nila ito sa kasama naming Iraqi kaya dito muna pinapatak ang kapirangot na Durian at pilit na ipinakain. Ayun lang pala ang ipagmamalaki, ang amoy. Natuwa naman ako sa kinahinatnan ng durian, nagmistulang ulam ko na rin, walang pumansin. Inamoy lang ng Iraqi at tumikim ng gatas na sabaw ng durian at inyawan na, mabantoto daw kasi.
Para hindi mapahiya ay kinuha ng isang intsik at inilipat din sa kabilang table. Nagpakuha siya ng tig-iisang kutsara at platito, at pinagbahabahagi ang kawawang durian (ayun lang ang naging kaibahan sa ulam ko, pinaghatihatian, huhu). Ayus pala ang kanitong negosyo, mag supply ng durian sa kanilang bansa. Kung baga sa atin parang lambanog n pinagkukumpulan at matindi kapag nakainom ka, me dating, kaya pagalingan sila sa pagkain.
Kami naman sa kabilang lamesa mukhang natahimik sa busog.
Sa wakas uwian na. Kanya kanyang punta sa sasakyan. Para kumpleto yung kwento balik na uli tayo kay Mr. Praktis, sya ang magmamaneho pabalik remember. Lumabas kami at dumaan sandali sa Lamcy gaya ng iba. Pagka Lamcy, ito na nabunyag ang sikreto. Hindi alam ang daan pauwi. Alam ni Rey na nasa harapan nakaupo pero sa mahabang rota. Ako alam ko ang direksyon pero gabi di ko maituturo ng tama kaya sabi ko bahala na sila.
Ganun nga ang nagyari umikot ikot ng mahaba hanggang sa sabihin ko ng pabiro “Dumaan na lang kaya tayo sa gitna at umakyat sa island”. Akala ko magagalit sila pero ang sagot naman ng isa e hindi pede, hindi 4 wheel drive ang kotse. Hehe. Ganun kami ka desperado para mapaiksi ang biyahe. Nakarating din naman kami sa aming tirahan, alas dose na yata.
Kinabukasan, matapos ng kasiyahan ng gabi, meron palang inspection kaming mga consultant, kaya pala. Nagkamali sila, yung kain pala naming ng gabi ay para tuminik ang aming mga utak sa inspection kinaumagahan. Mukhang lalong higit nagkaproblema ang contractor, mas marami kaming nakitang palpak at naglabasan ang maraming instructions to rectify defective items. Ito pala ang nangyayari kapag kumakain sa Lemon Grass.
Huwag kalimutan meron ding Golden Fork dito sa Dubai ang mga Pinoy ha.
Wakas. Ibang karanasan naman.
Wednesday, August 15, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment