Wednesday, August 8, 2007

Lemon Grass - A Thai Restaurant (unang bahagi)

Nung isang gabi ko pa dapat nilathala ito. Wala lang naman ito. Isang karaniwang kainan sa may Lamcy Mall. Sana e di ako pagnakawan ng antok sa pagbahagi ng aking karanasan.

Sa aming MEP project team, meron kaming pangkarinawan at regular na salu salo sa labas sa tuwing isang buwan. Ito ay madalas na sagot ng aming kontraktor na dahil sa tindi at tinik namin sampu ng aking kasamahan sa pag check ng kanilang mga trabaho e obligado kami amuin paminsan minsan.

Nagsimula ito ng paganito, sapagkat kami ng aking kasama sa trabaho n nagngangalang Chris ay iisa ang tinitirhan, at mahirap at mahal ang umuwi ng kaming dalawa lamang, napilitang imbitahan ng aming puno ang isang senor na inhinyero sa proyektong TDM na magiging aming tsuper sa pag uwi (anyway two way naman ang pakinabang). Siya ay dumating ng tama lang na oras ng labasan. Siya ay reliever lamang sa pagmamaneho sapagkat ang tunay na aming tsuper e nagbakasyon. Kung baga e lumalabas n mistulang kami e pinagpraktisan lang sa pagmamaneho sapagkat ilang linggo p lng siyang nagmamaneho dito sa Dubai.

Kaya ko n kwento ang tungkol sa tsuper e dahil karugtong ito ng susunod n mga pangyayari. So ayun larga kami, kami ang pinakahuli sa tatlong sasakyan, di ko n ikwekwento ung paraan ng pagmamaneho ng naunang sasakyan sa amin. Isa lang ang masasbi ko, inakyat nya ang gutter pagdating nya sa may kinatatayuan namin.

Pag labas namin ng Doha road ayun biglang u turn si Mr. Gutter at di man lang kami binigyan ng signal kaya si Mr. Praktis e nabigla at nakalampas sa dapat naming inikutan. Kaya doon pa lang e masasabi ng di na maganda ang aming biyahe papunta sa aming patutunguhan. Kayat kami ay dumeretso ng malayo layo patungo sa isang runabout. Buti n lamang dahil sa teknolohiya ng komunikasyon (CP in short) ay nagabayan kami ng grupo ng aming puno kung saan kami daraan.

Sa wakas dahil sa mayat maya pag uusap ni Chris at ni Frank (ung nasa grupo ng aming puno) kami ay nakrating sa paroroonan. Bigla na lang isinalpak ni Mr. Praktis ang aming sasakyan sa isang parking slot. At pagbaba e tiningnan p niya kung ang parking na iyon ay may bayad. Meron akong nakita na isang malaking anunsyo n ayun ay pay parking subalit ang sabi ni Mr. Praktis ayun daw ay para sa kabilang kalye na aking kunwariy sinang ayunan.

At nakita na namin sa di kalayuan ang tunay na kwento ng article na ito....

Itutuloy...

No comments: