Saturday, August 18, 2007

Dumi ng Isip


Pagsapit ng alas sais ng gabi, tapos na ng oras ng opisina, talagang hindi kaagad ako umaalis. Hindi ito sa kadahilanang gusto ko ngang magtrabaho pa, bagkus ako ay nag-iipon pa ng sapat na lakas ng loob (o “inner strength”) bago magsimulang lumakad patungo sa pinaka-malapit na taxi stand na mahigit 600 metro ang layo mula sa aking matiwasay na kinauupuan. Hala, mind-power ang gamitin na "motivation" para mapag-tagumpayan ang katamaran ng katawan. Nais pong ipabatid ng manunulat na ngayon ay nasa kalagitnaan tayo ng mabanas na tag-init, dito sa mala-impiernong lugar na ito. Kaya isipin nyo na lang na 41 centigrado ang temperatura sa labas at naglalakad ka. Bukod sa baka mahuli ka ng “safety officer” kasi ala kang hard-hat na naglalakad sa loob ng construction site, tagaktak pa ang pawis mo sa noo, likod, leeg, kili-kili at basang-basa na din ang salung-(kung ano man ang meron kayo, hehehe). Ito ang kalbaryo ko araw-araw sa pag-uwi.

Ngunit langit pa iyan kung ikukumpara sa mararanasan mo kapag tinawag ka ng inang kalikasan habang ika‎‎‎‎’y nasa 200 metro pa lamang ng iyong paglalakbay mula sa nilayasan mong tanggapan. Ay sus ginuu! Ano po ang gagawin mo? Ako ba ay‎ babalik sa unang baitang ng gusali (nandun ang opisina, pero nasa ground floor ka na ngayon eh) o tatapusin ko ang natitirang 400? Buti na lang may palikurang malapit sa “finish line” (opisina ng mga kaibigan ko sakabilang dulo ng project site) kaya naisip ko din na ituloy ang laban. Pinagpapawisan ka na ng butil-butil at hindi maihakbang ng mabuti ang mga paa. Baka kasi may makatakas na “perwisyo” sa ano kapag naluwagan ang “control” mo doon sa kuwan eh. Hindi magiging kaaya-ayang sitwasyon yun malamang. Kaya sige, “mind over matter” ang gamitin mong litanya upang mapanatili ang iyong dignidad at kahihiyan sa harap ng mga nagkalat na mga pana, patan at kung anu-ano pang mga lahi sila. Sa oras na iyun, wala kang pakialam kung sa planetang Mars pa sila galing. Basta ang nasa isip mo, sugod kapatid!!! Sugod!!! Tuloy ang ipit-pwet na paglakad patungo sa kaligtasan (syet! 200 metro na lang!). Kung pagninilay-nilayan mo ang iyong kasalukuyang kalagayan, maslalo kang mapapa-aga (gets mo?), kaya mabuti pa na ibaling mo ang iyong isip sa ibang direksyon. Sumagot ang naghihirap mong sentido, “SAAN???”. Teka lang po, nagpapayo lang naman, pero dapat malibang ka kasi hindi mo kayang damdamin ang maduming kalagayan mo ngayon. “ANO NGA BA ANG DAPAT GAWIN KO?” ang hibik ng isip, teka ulit, naaalala mo ba na eksena na nabasa mo sa libro ni Bob Ong? Iyung tungkol sa pag-luwal niya ng kahihiyan sa gitna ng silid-aralan noong siya‎ kindergarden pa lamang? O dili kaya‎’y noong naranasan ng kamag-aral mo noong highschool ka (opo, hindi po ako iyung nagkalat, peksman!) na isa ka pa sa nag-kutya at bumarubal sa pagkatao kanya? At ngayon, nasa gitna ka na ng, hindi silid-aralan kundi ng construction site at napapaligiran ka ng hindi kamag-aral kundi mga trabahador at mga pahinante? Di ba nakakahiya si “engineer” kapag bumulwak sa sentro ng sangkatauhan ang nakaririmarim na tinatago ng iyong kalooban? Malamang, ikamamatay mo ang kahihiyan na daranasin kapag nagka-totoo nga ang mga hula.

Ngunit hindi rin, hindi pa, eto pa ikaw ngayon at lumalaban, mamatay-matay na sa kahirapan pero tuloy pa rin ako… “aba! nakuha pang kumanta?” ang tirada ng peligrosong kokote. Hindi mo namamalayan, malayo na ang iyong nararating. Akalain mo iyun, malapit na ang finish line?

Yeesss!!! Iyak ng loob, napapikit, tumingala sa langit at kagat-ngipin ka na sa tuwa ngayon. Closer....

Hoy! Wag mong kalimutan ang “control” at baka ngayon ka pa magkakalat, malapit ka sa mga kaibigan mo! Di ba mas nakakahiya iyun kapag magsabog ka ng lagim sa harap nila?

Oo nga ‘no? ang sagot mo naman.

Susmaryosep! Nagkakaroon ka na ba ng schizophrenia? Sino ba ang kausap mo? Masama na talaga ito!

Hindi bale, ang mahalaga, makaligtas ka sa maduming sitwasyon na ngayo‎’y bumabalot sa buong katauhan mo at sinusubukan ang katatagan ng iyong “mental health”.

Heto ka na sa harap ng pinto ng backdoor ng opisina nila. Gusto mo dun pumasok kasi mas kokonti ang taong dumadaan dun, mas malaya kang gumalaw, so-to-speak. Buong pagkukunwari ka sa pag-project ng “coolness” sa lahat nang maaaring makasalubong mo para wala silang mabatid sa tunay mong kalagayan ngayon. Walang bahid ng panganba ang kara mo. Teka, may bahid na kaya iyung brief ko? Malalaman ko sa madaling panahon. Sige, go! Lakad lang ng normal. Butil-butil talaga at na-tulo na, este, dumadaloy na pala ang mga dapat tumulo lang. Pigil pa din ang hindi dapat tumulo (at hindi ito ung sakit ah!). Parang gusto ko nang magpalabas ng dig-low (kabaligtaran ng dighay, o dig-high?) o kaya, simpleng utot.

Anyway, gusto kong magpalabas ng konting hangin, kahit konti lang para maibsan ang “pressure” sa tyan ko. Pero hindi dapat asahan iyun (Lesson #1, never trust a fart), kasi malamang, may kasamang tropa iyun kapag lumabas. Nangyari na sa akin iyan sa Singapore. Papasok ako ng opisina noon at nakatayo sa bus. May hangin na ibig lumabas sa pwet ko. Akala ko, simpleng utot lang iyon kaya pinayagan kong lumabas ang konting hangin sa aking kalooban. Syet! May sumama! Kaya ilang segundo lang at umalingasaw ang mala-posonegrong simoy sa loob ng bus. Lumaki ang mga mata ng mga intsik at nabahuan ang mababahong iba. Nakakahiya sa mga intsik, pero isa itong higanti sa iba, sila naman ang mabahuan “for a change”. Hehehe. Patay-male pa din ako sa buong diskurso ng byahe na ito. Sa oras na pati ako ay apektado na din sa baho at polusyon na dulot ko, kaya minabuti ko na bumaba na (Actually, naghihintay lang ako ng susunod na bus stop para hindi ako “obvious”. Ang lufeet ko talaga 'no!Kaya hala, pindot ng stop botton at pa-simpleng na akong bumaba. (Inhale!) Ang sarap ng sariwang hangin! Refreshing!!!

Nasaan na ako, naglalakad pa din at ayun na ang toilet! Malapit na ako! Wala namang istorbo sa paglakad ko. Bukas ng Toilet! Upo sa trono! At nang ilang napakasarap na saglit, nadama ko ang isang mahaba at mapagpalang buntong-hininga. Tapos na! Lumaya ang bait sa parusa at kahirapan. Para bang lumindol sa burol, nahati sa gitna ang sanctuwaryo ng templo at nagbukas ang kalangitan. Haaaaaaaaaay!!! Salamat poh!!! It is done......

Grabe ‘no? kaya ako noon, bago umalis ng opisina ko, inilabas ko na sa palamus-unan ang lahat-lahat ng aking sama ng loob para hindi ko maranasan ang mga paghihirap na nakalahad sa itaas. Kung iisipin mo, oo nga naman.

“PEACE” PO TAYO!!!!!!

1 comment:

Tagup Sining said...

ayos...enjoy simula p lang...