Nang matanaw namin ang lugar n aming kakainan e dali dali kming pumasok sa tuwa at ayun nandun ng lahat maliban lamang sa ibang namin kasama na nagpasiyang mamili sa di kalayuang Lamcy Mall. Si Mr. Praktis ilang minutong p lang nakakaupo ay dalidali ng tumayo at natanong ko kung bakit dun sa katabi nya. Ayun magbabayad daw ng parking fee, sabi ko n nga ba, kailangang pa palang magsabi sa kanya e mahigit sa isa para maniwala.
Ito na ang main part, meron ng nagdatingang mga babaing nakapuyod sa aming kinauupuan at nagaabot ng mga maayos na sa unang tingin ko e parang mga magazine. Kulay berde ang pabalat at nakabalot sa makintab n plastic. Nang tignan ko un listahan n pala ng mga menu at akala ko nga ay mga magazine, isasa uli ko sana dahil di ko maintindihan ang mga nakasulat. Yun palang mga nakasulat e pangalan ng mga pagkain.
Nagkuyos ako ng mukha dahil nun ko lang nabasa ang mga menu na iyon. Inobserbahan ko ung mga nakapuyod para aking tanungin dahil napansin ko ay ingles ng ingles alam naman nyang mga pilipino kami at di naman sya mukhang ibang lahi. Kaya ginawa ko nag ingles na rin ako pagtatnong baka di ako pakainin. At nabasa ko ung pangalan nya sa kanyang dibdib Swarshihitta Papororoti yata, di accurate yun memory ko dito ha. Kaya pala ganun ung mga menu at pangalan dahil sa Thai Restaurant pala ung pinasok namin, mga mukhang pinay din, medyo iba lang ang paling ng dila kaya iba ang salita, made and develop in Thailand.
O baka gutom na kayo sa kababasa, punta na tayo sa kainan. Ung menu pagkatapos ng mga kakaibang pangalan, sa ibaba naman nya e may nakalagay kung ano ang rekado in English kaya at least alam namin ung main ingredients kung pagkaing dagat, pagkaing kati o pagkaing lupa bahala n kayong magisip. Ako dahil sa ingat ako sa mamantika kaya order ko ay steam fish n me kung ano pang atsutsutsu na mga maliit na palamuti sa pagkain.
Karaniwan syempre bago kumain ay drinks muna ang dadating kaya drinks ang unang pinaorder. At ito ang natandaan ko dahil maiksi ang pangalan, “Samui”. Ang Samui ay pwersadong pinaghalong pineapple…coconut milk…at lime. Talagang desidido ako dito sa drinks na ito, gusto ko kasing kumulog at kumidlak sa sikmura ko para matanggal naman ang mga masasmang mikrobyo dito.
Ayan na….hindi ko alam ang pinag oorder ng mga kasama ko at katabi ko. Pero ang alam ko ay hindi rin alam ng mga nakapuyod kung ano ang pinag oorder nila basta hindi na nakarating sa kinauukulan ung mga order dahil mali mali na nga ang lagay ng mga nakapuyod. Un katabi ang nasabi na lang e “ayun ung order ko a”, nasa kabilang table kasi, ito yung malalaking prawns n me kung ano ang nkapaligid. At ang tumapat naman sa akin ay ung parang lumpiang pritos na iba’t iba ang hugis, akala ko e appetizer, kaya tumuhog ako ng ilan. Di ko na alam ang sinabi nung talagang umorder nito. Di lang naman ako ang tumuhog dun sa pagkain sa tapat ko pati na rin ung balbasin sa me harap ko n kulang n lang ay huthutin ang lahat ng pagkain dumadating. At sa wakas dumating din ung sa akin at dahil halos lahat ay kinain na ang hindi nila order kaya wala na halos pumansin s choice ko, e pagkalaki laki pa naman. Kaya pagkasungkit ko ng ilang hibla e ipinuwesto ko na sa katabing table para naman sabihing nagpalipat lipat din dahil masarap, hehe.
Ang katabi ng balbasin sa akin harap ay isang Iraqi at huli syang dumating kaya ang umorder sa kanya ay yung kanyang katabi, isa sya sa sumaid ng ulam ng iba. Hindi rin nya pinansin ang aking pinili. Gayumpaman, isa sya sa nagpasaya sa susunod na bahagi ng aking istorya…
Itutuloy muli…
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment